Saturday, October 12, 2013

Naaresto sa election gun ban, 292 na

UMAKYAT na sa 292 ang bilang ng mga nadakip dahil sa paglabag sa umiiral na election gun ban para sa nalalapit na barangay elections sa Oktubre 28, 2013.


Pinakamarami sa mga matitigas ang ulo na naaresto ay sibilyan na umaabot sa 275; pumapangalawa ay security guards na may 10; apat na pulis; dalawang government employees at isang sundalo.


Nasa 230 naman na ang nakumpiskang baril na nasa pangangalaga ng COMELEC at PNP.


Nakasamsam din ng 11 gun replica; 84 bladed weapons; 33 granada; 39 pampasabog at 1,747 na mga bala ang awtoridad.


Muling ipinaalala ng Commission on Election na sinimulan ang gun ban noong Setyembre 28 at magtatapos ito sa Nobyembre 12, 2013.


The post Naaresto sa election gun ban, 292 na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Naaresto sa election gun ban, 292 na


No comments:

Post a Comment