Monday, October 28, 2013

Binmaley, Aquaculture of the North

BINMALEY, Pangasinan – Plano na gawing Aquaculture of the North ang Binmaley sa Pangasinan dahil sa malawak na ilog na sumasakop dito at bilang pangunahing kabuhayan ng mga residente ang mga palaisdaan.


Sa 100 days report ni Mayor Sammy Rosario, sinabi niyang pangarap niyang mapasa-Binmaley ang titulong Aquaculture of the North kaysa ang Seafood Capital na dati nitong titulo.



Ayon kay Rosario, mas angkop na tawaging Aquaculture of the North ang Binmaley na sagana sa mga isdang Malaga, Bangus at Sugpo, na dinarayo pa, partikular tuwing Sigay Festival.


Magbubukas din ng malaking fish market sa Binmaley, na inaasahang dadayuhin ang mga mura at malasang isda. – Liezle Basa Iñigo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Binmaley, Aquaculture of the North


No comments:

Post a Comment