Wednesday, October 2, 2013

PILING SALITA

“Words are almighty, words are living; serpents with their venomous stings… every word man’s lips have uttered echoes in God’s skies.” – Adelaida A. Proctor


Narito ang isang istorya ng dalawang katulong sa bahay na nag-ibigan. Maunawain ang kanilang amo kayat pinakasal sila. Binigyan pa sila ng pera noong sila’y umuwi sa lalawigan.



Nanirahan sila sa isang maliit na kubo. At tumulong sa pagsasaka si Lando sa kanyang ama.


Samantala, si Leonora ay nagtinda sa palengke. Ang puhunan niya ay iyong bigay ng kanilang amo.


May napulot ang mag-asawa sa kanilang mga amo. Minsan man ay hindi nila narinig na nag-away ang kanilang amo.


Hindi nila narinig na nagtalo o nagsigawan sila. Laging sweet silang mag-usap. Parang bagong kasal sila ganoong may mga apo na sila.


Iyan ang tutularan nina Lando at Leonora. Para silang loved birds na laging magkatabi at nagbubulungan kung sila’y nagpapahingan.


Iyong kakulangan nila sa pera ay pinunan nila ng pagmamahal. Napuna ito ng kanilang mga anak. At sila’y tinularan ng apat nilang supling.


Ang idinagdag ni Lando ay ang pagkakaroon niya ng “sense of humor.” Nais niyang pasayahin ang kanyang misis sa pamamagitan ng pagbibiro.


Iyong pagpapatawa ni Lando ay ikinatuwa ni Leonora. Kapag nakita nito na nag-iisip si Lando ay pangungunahan niya agad:


“Puro kalukuhan na naman ang iniisip nito.”


At sila’y magtatawanan. Hindi alam ng mag-asawa na ang kanilang ginagawa ay nagpapalusog ng kanilang katawan.


Iyong tuksuhan at tawanan ay nag-aakay ng magandang “aura.” Ito ang umaakit ng magandang kapalaran. Hindi kataka-taka nang gumanda ang kanilang buhay.


Laging naroon ang “Purihin ang Diyos” sapagkat maraming biyaya ang kanilang tinatanggap.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PILING SALITA


No comments:

Post a Comment