Monday, October 28, 2013

PHSD, SSC, kapwa may aasintahin

Sino ang papasok na No. 3 at No. 4 team, para makatapat ang top two teams na San Beda College at Letran, sa paghaharap ngayon ng University of Perpetual Help System Dalta at San Sebastian College-Recolletos sa kanilang playoff match sa 89th NCAA men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.



Sa ganap na alas-4:00 ng hapon muling magtutuos ang dalawang koponan matapos silang magtabla sa pagtatapos ng eliminations na taglay ang barahang 11-7.


Bagamat dalawang beses nilang tinalo ang Altas sa nakaraang eliminations, ayaw maging kampante ni coach Topex Robinson ng Stags sa kanilang tsansa.


“Perpetual is a very tough team. Even though they are on a losing skid, you can’t count them out just like that. I knew they’re gonna go all out, sigurado babawi yan,” pahayag ni Robinson.


Gayunman, nangako naman ang Stags mentor na hindi nila sasayangin ang pagkakataon na kanilang nakamit matapos ang kanilang see-saw performance sa nakaraang eliminations.


“We’re already here and I would be hypocrite if I say that we’re not aspiring for a higher finish,” ayon pa kay Robinson.


Muli, sasandigan ng Stags para sa asam na makapasok na No. 3 sa Final Four round kung saan ay makakatagpo nila ang No. 2 na Knights ang kanilang mga ipinagmamalaking rookies na sina CJ Perez, Jamil Ortuoste, Bradwyn Guinto at Leo de Vera, kasama ang beteranong guard na si Jovit de la Cruz.


Sa kabilang dako, nangako namang babangon at babawi kahit walang kasiguruhan ang paglalaro ng kanilang Cameroonian player na si Nosa Omorugbe kung saan ay aasahan naman ni Altas coach Aric del Rosario ang isa pang Mythical Team at Most Improved Player top candidate na si Harold Arboleda, ang top Rookie of the Year contender na si Juneric Baloria, Justin Alano, Chris Elopre at Scottie Thompson. – Marivic Awitan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PHSD, SSC, kapwa may aasintahin


No comments:

Post a Comment