Monday, October 28, 2013

Oktubre 29, hiniling na ideklarang ‘teachers’ rest day’

“Maging ang mga makina ay kailangan ding ipahinga para sa maintenance upang ang mga ito ay hindi masira. Ganun din ang mga guro.”


Ito ang pahayag ng Teachers’ Diginity Coalition sa paghiling nito sa Department of Education (DepEd) na ideklara ngayong Martes, Oktubre 29, bilang “araw ng paghinga” matapos nilang gampanan ang kanilang election duties para sa 2013 barangay elections kahapon.



Ani TDC, na may 30,000 miyembro sa buong bansa, dapat magbigay ng opisyal na pahayag si DepEd Secretary Armin Luistro na nagdedeklara sa Oktubre 29 bilang “araw ng pahinga” para sa mga guro dahil ito ay kasabay sa kanilang taunang In-Service Training (INSET) base sa School Year 2013-2014 calendar.


“Presently, there is confusion in the field on whether teachers are required report on Tuesday for INSET or not,” ayon kay

TDC National Chairman Benjo Basas.


Ang INSET ay isasagawa base sa DepEd Order No. 10 at ito ay papatak sa Oktubre 28 – 31.


“Obviously, the DepEd failed to consider that October 28 is an election day,” dagdag ni Basas. – Ina Hernando-Malipot


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Oktubre 29, hiniling na ideklarang ‘teachers’ rest day’


No comments:

Post a Comment