Monday, October 28, 2013

Pagbaha ibinabala sa Palawan, Mindanao

INILATAG ngayon ng PAGASA ang babala ng mga pagbaha sa Mindanao dahil sa patuloy na umiiral ang inter tropical convergence zone o nagsasalubungang hangin sa bahagi ng Palawan at Mindanao.


Batay sa satellite image ng PAGASA, makapal ang kaulapan sa Palawan, Western at Southern Mindanao.


Dahil dito, inaasahan ang pabugso-bugsong ulan sa naturang mga lugar na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.


Samantala, umiiral naman ang Northeast monsoon sa Luzon na dahilan ng malamig na simoy ng hangin lalo na sa madaling araw.


Sa kabilang dako, inaasahan na papasok na sa Philippine area of responsibility ang panibagong bagyo.


Natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 1,380 kilometro sa silangan ng Visayas.


Pero ayon sa PAGASA, kung hindi magbabago ang direksyon na tinatahak ng bagyo ay hindi na ito tatama sa kalupaan ng Pilipinas.


The post Pagbaha ibinabala sa Palawan, Mindanao appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagbaha ibinabala sa Palawan, Mindanao


No comments:

Post a Comment