TAKOT pa rin ang mga residente at mga election officer matapos ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng tropa ng Philippine Army at rebeldeng New People’s Army sa Sorsogon.
Ayon sa impormasyon ni Lt. Col. Aquino, bandang alas 4:00 kahapon nang maganap ang engkwentro sa Sitio Buhatan, Bacon sa nasabing lalawigan.
Ayon sa opisyal, nasa 10 miyembro ng NPA ang kanilang nakasagupa at maswerteng walang naitalang nasugatan o namatay sa engkuwentro.
Matapos ang 11 minutong palitan ng putok, narekober sa lugar ang mga baril, bala at isang laptop na pag-aari ng isa sa mga rebelde.
The post Militar, NPA nagsagupa sa bilangan sa Sorsogon appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment