ITINAKDA ngayong araw ang halalan sa tatlong barangay sa Samar matapos ipagpaliban ng Commission on Elections (COMELEC) Regional Office 8 kahapon dahil sa presensya ng armadong kalalakihan na dahilan ng komosyon.
Ang mga brgy. na sinuspendi ay ang Dogongan, Jiabong; Bana-ao, Sta. Margarita; at Gianboc sa Gandara Samar.
Samantala, natuloy naman kahapon ang barangay elections sa Brgy. San Antonio, Catubig Northern Samar matapos ang nangyaring ballot snatching noong bisperas ng halalan.
Tiniyak naman ni COMELEC 8 Regional Dir. Jose Nick Mendros na paiimbestigahan ang nasabing mga insidente.
Samantala, iniimbestigahan na ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang mga nahuling nagpanggap na miyembro nito at pumasok sa Bonuan Binloc Integrated School sa Dagupan na nagdulot ng tensyon dahilan upang isara sa publiko maging sa mga miyembro ng media ang polling centers sa kasagsagan ng bilangan ng botohan kagabi.
Natuklasan ang pagpapanggap matapos magreklamo ang panig ng dalawang magkalabang kandidato dahil sa kawalan ng IDs ng mga pumasok sa loob ng polling centers.
Sa kabila ng tensyon, naituloy pa rin ang bilangan at naideklarang panalo ang incumbent punong barangay na si Pedro Gonzales laban sa katunggaling si Dado Torio.
Sa kabilang dako, nagkaroon ng batuhan ng balota sa Barangay Pantal matapos pagtalunan ang boto ng isang botanteng pinaghalo ang pangalan ng magkalabang kandidato.
Samantala, maraming barangay na rin ang nagkapagdeklara ng panalo sa Pangasinan sa pagkapunong barangay habang ang ilan ay hindi pa natatapos ang bilangan para sa mga barangay kagawad.
The post Halalan sa 3 brgy. sa Samar, ngayong araw appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment