Monday, October 28, 2013

Napakasamang season ni Federer, nagpatuloy; Del Potro, kampeon sa Basel

Del Potro


BASEL (Reuters)- Nagpatuloy ang napakasamang season ni Roger Federer makaraang maunsiyami kay Juan Martin del Potro sa finals ng Basel Open sa ikalawang nagdaang taon.


Naglaro ang Swiss ng ilang sa kanyang pinakamahusay na tennis sa taon na ito ngunit ‘di naging sapat upang maiwasan ang 7-6 (3) 2-6 6-4 pagkatalo sa powerful Argentine at ang 220-kph serve nito.



Matapos kunin ni Del Potro ang first set, ang momentum ay tila lumipat naman kay Federer nang makipagkarera ito sa ikalawa matapos na hadlangan ang serve sa second game.


Ngunit ang tunay na punto sa unang laro sa ikatlong set ay nang si Federer, naisakatuparan lamang isang panalo laban sa top-10 opponent at isang one tournament win sa kabuuan ng taon, ay sumadsad makaraang lumamang pa ito sa 40-15.


Humirit si Del Potro ng stunning return patungo sa kanyang break point at bagamat naisalba ng Swiss ang isang puntos sa isang nakalululang backhand overhead smash, kinuha pa rin ni Del Potro ang laro nang kumulapso ang forehand ni Federer.


Tuluyan nang kinuha ni Del Potro ang panalo sa set upang pagwagian ang kanyang ikaapat na ATP title sa season matapos ang Tokyo, Washington at Rotterdam.


Makukuwalipika sana si Federer para sa season-ending World Tour Finals kung nagwagi siya, subalit maari pa niyang kunin ang puwesto kung mananalo sa Paris Masters sa susunod na linggo.


Ang panalo kay Kevin Anderson o Mikhail Youzhny sa second round match sa Miyerkules ay magiging sapat na upang masiguro na nakatuntong siya sa season finale para sa recordequaling 12th consecutive year, magpapatas kay Ivan Lendl para sa may pinakamaraming magkakasunod na appearances.


Naging masaya naman si Federer, ang season ay kinapalooban ng mga nakakahiyang pagkatalo sa lower-ranked

opponents, sa kanyang performance.


“I am a winner, I don’t take much confidence from losing matches,” pahayag nito sa reporters. “I am happy about the level of my play, it’s getting better but it’s not in losing where I get much confidence.”


Inamin ni Del Potro na nabigo siya sa kanyang mga atake sa second set bago siya nakarekober.


“I made a lot of mistakes and you can’t afford to relax in a final,” pahayag nito.


“My big challenge is to get closer to the top four players and the only way to do that is when you have a chance to play against them.”


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Napakasamang season ni Federer, nagpatuloy; Del Potro, kampeon sa Basel


No comments:

Post a Comment