GERONA, Tarlac – Nakakulimbat ng malaking halaga ang kilabot na motorcycle gang matapos holdapin ng grupo ang isang negosyante sa Barangay Caturay, Gerona, Tarlac, umaga nitong Sabado.
Sa report ni PO2 Christian Rirao, mag-aalas diyes ng umaga nang harangin ng tatlong armadong nakamotorsiklo ang Honda motorcycle na minamaneho ni Rolly Pagco, 59, negosyante, ng Bgy. Abogado, Paniqui, at sapilitang kinuha ang kanyang wallet na may lamang mahigit P19,000 cash. – Leandro Alborote
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment