Monday, October 28, 2013

Reklamo sa eleksiyon dagsa sa online

HINDI dapat sa social media idaan ng publiko ang kanilang mga reklamo o sumbong kaugnay sa katatapos na October 28 barangay elections.


Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr., sa halip na sa social networking sites gaya ng Facebook at Twitter, ay mas mabuting ihayag ang mga sumbong at election related reports sa sworn o written statements upang maging pormal ang nga ito.


Tiniyak naman ni Brillantes sa publiko na kaagad nilang sisiyasatin at diringgin ang mga sumbong ng mga ito.


Kaugnay nito, nagpapasalamat naman si Brillantes sa mga ulat ng netizens na malaki aniya ang naitutulong para maisaayos nila ang katatapos na eleksyon.


Matatandaang inulan ng mga reklamo ang mga inquiries ng twitter account ng Comelec na may mahigit 14 thousand followers.


The post Reklamo sa eleksiyon dagsa sa online appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Reklamo sa eleksiyon dagsa sa online


No comments:

Post a Comment