SA America, ang mga may kaso ay diretso agad sa kulungan.
Sa Pilipinas, ang mga may kaso ay diretso agad sa America.
‘Yan ang sabi ng isang Internet blogger at hindi ito patungkol sa nakatakdang paglipad ni Senador Jinggoy Estrada at ang kanyang misis sa America.
Maysakit si misis, sabi ni Jinggoy, at kailangan nilang bumiyahe papuntang America para humingi ng second opinion sa mga Amerikanong doktor.
Ang pinakahuling government official na nagtangkang lumipad abroad ay si Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo. Kailangan daw niya ng medical check up na mga foreign doctor lang ang makapagpapagaling.
Buhay at kamatayan daw ang nakataya sa kanya kaya suot ang kanyang neck brace at ang kanyang wheel chair ay nagmadali siyang pumunta sa airport pero pinigil ito ni Leila de Lima, ang kalihim ng katarungan.
Hanggang ngayon naman ay buhay pa si Madam Gloria at wala na tayong naririnig na siya ay maysakit pa hanggang ngayon.
Sa kaso naman ni Mrs. Estrada, wala kayang ibang Filipino doctor na maaaring mahingan ng second opinion?
Walang kaso si Mrs. Estrada, pero may reklamo nang isinampa ang DOJ sa Ombudsman laban kay senador.
Ayon kay Senador Jinggoy, wala namang isinasampang kaso laban sa kanya ng Ombudsman kaya malaya siyang makapag-abroad, lalo na kung ang karamdaman ni
misis ang pag-uusapan.
Isa-isa nang nawawala ang iba pang sangkot sa pork barrel scam. Nag-abroad na sila.
Mukhang maraming pera ang mga taong ito dahil can afford silang mag-abroad nang matagalan.
Sayang at hindi dadalo si Senador Jinggoy, matuloy man ang kanyang biyahe o hindi.
Pero dadalo kaya sina Senador Juan Ponce Enrile at Bong Revilla? Sa Sandiganbayan na lang daw sila haharap.
Malamang na hindi rin dumalo si Senate President Frank Drilon.
Hindi dahil sa nakunan siya ng picture na kasama ni Ma’am Janet.
The post MADALIIN NA ANG KASO VS NAPOLES appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment