Wednesday, October 2, 2013

Naudlot na NBN-ZTE project: Malaki ang nawala sa gobyerno

Makabubuti sana sa bansa ang naunsiyaming $329-million NBN-ZTE project sa gobyerno kasabay ng pagkakaroon ng malaking kita para sa bansa kung natuloy ang pagpapatupad nito, ayon sa isang opisyal ng National Economic Development Authority (NEDA).



Sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kasong katiwalian sa Sandiganbayan Fourth Division kaugnay ng naudlot na proyekto, sinabi ni NEDA Assistant Director General Ruben Reynoso na siya ang pinuno ng NEDA Investment Coordination Committee (ICC) technical team na nagrepaso ng NBN-ZTE project noong 2006.


Sinampahan ng kasong katiwalian sina dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, asawa nitong si Atty. Jose Miguel Arroyo, dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos at dating Transportation and Communication Secretary Leandro Mendoza sa pagkakasangkot umano sa maanomalyang NBN-ZTE project.


Sa aspeto ng technical at economic merit, sinabi ni Reynoso na malaki sana ang pakinabang ng gobyerno sa NBN-ZTE project.


Aniya, kikita ang gobyerno ng 29 porsiyento o halos doble ng rate of return benchmark na itinakda ng NEDA sa anumang kontrata na pinapasok ng gobyerno.


“The rate of return for every government contract entered into by the government is 15 percent. Anything below that is not economically viable and we do not endorse it subject to some exceptions. However with the broadband project, the rate of return was more than 29 percent or almost double so it was relatively high,” aniya.


Nang tanungin kung ano ang rekomendasyon ng kanyang grupo, sinabi ni Reynoso na inendorso nila ang proyekto sa NEDA-ICC dahil magandang investment ito. – Rolly T. Carandang


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Naudlot na NBN-ZTE project: Malaki ang nawala sa gobyerno


No comments:

Post a Comment