Sarado pa rin ang tanggapan ng mga trial court sa Zamboanga City dahil hindi pa rin naibabalik ang kuryente sa Hall of Justice ng lungsod.
Bagamat nagbukas na ang iba pang tanggapan ng gobyerno matapos ang tatlong linggong paglalaban ng militar at Moro National Liberation Front (MNLF), tanging mga inquiry lang ang tinatanggap sa library ng mga trial court.
Sinabi noong Lunes ni Court Administrator Jose Midas P. Marquez, na nangangasiwa sa lahat ng mabababang korte sa bansa para sa Korte Suprema, na “judges are not yet cleared to go back to their respective courts except to check the hall of justice for a while under escort.”
“Judges are also doing a headcount of personnel to check if there are missing court employees,” sabi ni Marquez, na sinuspinde ang trabaho sa lahat ng korte sa Zamboanga City matapos magsimula ang bakbakan noong Setyembre 9. – Rey G. Panaligan
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment