Ni Marivic Awitan
Kapag kinakailangan, laging may isang beteranong player ang aasahan para isalba ang kanilang koponan.
Ito ang pinatunayan ni Rome dela Rosa matapos niyang pamunuan ang defending champion San Beda College sa dalawang sunod na panalo tungo sa liderato ng ikalawang round ng 89th NCAA men’s basketball tournament.
Napiling Accel 3XVI NCAA Press Corps Player of the Week para sa nakaraang linggo (Setyembre 26-30), muling nagsanib puwersa sina Dela Rosa at kapwa beteranong si Arthur dela Cruz upang dalhin ang Red Lions sa panalo kontra sa matinding hamon ng University of Perteptual Help Altas, 78-76, sa larong umabot ng extension period.
Anak ng dating PBA star na si Romy dela Rosa, isang matinding pasa ang ginawa ni Dela Rosa patungo kay Dela Cruz na siyang nagbuslo ng winning basket para sa Red Lions.
Tinapos ni Dela Rosa ang nasabing laban na may 12 puntos, 5 rebounds, 2 assists at 1 steal.
Sa sumunod nilang laro kontra San Sebastian College, ibinalik ni Dela Cruz ang pabor nang siya naman ang nagpasa ng bola kay Dela Rosa para maagaw ng Red Lions ang bentahe, 69-68, na hindi na nila binitawan hanggang sa maubos ang nalalabing 56 segundo sa final period tungo sa 72-68 panalo.
“I can’t ask for more from him (Rome).He’s really playing well. All of them. And I’m very thankful that they have that trust in the coaching staff and in the system,” pahayag ni San Beda coach Boyet Fernandez patungkol sa kanyang manlalaro na umiskor ng 18 puntos, 3 rebounds, 1 assist at 2 steals.
Ibinahagi naman ng 22-anyos na graduating marketing student ang kanyang sekreto kung bakit maganda ang kanyang nilalaro na isa sa naging susi upang tumatag ang kanyang koponan sa liderato na hawak ang barahang 13-2 (panalo-talo).
“I’ve been working hard. You’re not always gonna have a great season so I keep pushing,” pahayag ni Dela Rosa. ”This is a good timing going into the stretch of the season.“
Tinalo ni Dela Rosa para sa nasabing citation ang teammate na si Ola Adeogun, gayundin sina Raymund Almazan ng Letran, Mark Frnacisco ng Lyceum at Jolas Paguia ng Emilio Aguinaldo College.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment