Wednesday, October 2, 2013

Nalbandian, magreretiro na sa Nobyembre

BUENOS AIRES (Reuters)- Inihayag kahapon ni Argentina’s 2002 Wimbledon finalist David Nalbandian na siya’y magreretiro na sa tennis sa susunod na buwan hinggil sa umano’y problema niya sa kalusugan na naging dahilan ng kanyang pagkakapahinga sa halos kabuuan ng taon.



“It’s not easy what’s happening to me now, my shoulder is not helping me to train as I should for the circuit,” pahayag ng 31-anyos sa news conference.


“It’s a tough day to (have to) announce my retirement today,” saad ni Nalbandian, nagwagi ng 11 ATP Tour titles, kasama na ang season-ending ATP Championship sa Shanghai noong 2005.


Dating world number three, sumailalim sa shoulder surgery noong Mayo, sinabi nito na kanya nang iiwan ang tennis matapos ang paglalaro nito sa isang exhibition match kontra kay Spanish world number two Rafael Nadal sa Nobyembre. – Luis Ampuero/Ken Ferris


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Nalbandian, magreretiro na sa Nobyembre


No comments:

Post a Comment