Wednesday, October 2, 2013

Finals berth, napasakamay ng Olivarez

Nagsalansan ng 26 puntos si Franklin Mancio habang nag-ambag naman si Eldridge Corpus ng 15 puntos upang pangunahan nila ang defending champion Olivarez College sa pagposte ng 81-73 panalo laban sa La Salle-Dasmarinas sa mismong homecourt ng huli.



Nagsanib puwersa sina Corpus, Marvie Bustos at Mark Guillen sa huling period para maisalba ang Sea Lions at makumpleto ang pagwawalis sa kanilang best-of-three semifinal series kontra sa Patriots sa 12th Universities and Colleges Athletic Association (UCAA) men’s basketball tournament sa Ugnayang La Salle gymnasium sa Dasmarinas, Cavite.


Bunga ng pagkapanalo, ganap na nakopo ng Sea Lions ang unang finals berth sa cagefest na ito na suportado ng Mikasa at Molten balls.


Sa isa pang laban, sinorpresa naman ng Rizal Technological University ni coach Johnedel Cardel ang Philippine School of Business Administration, 88-67, para mapanatiling buhay ang kanilang championship bid.


Umiskor ng 28 puntos si Rennel Montecillo, kabilang ang walong 3 pointers, para pamunuan ang Blue Thunders sa pagtabla sa kanilang semis series ng Jaguars sa 1-all matapos matalo sa Game 1, 87-97.


Sa kabilang dako, nanguna naman para sa losing cause ng Jaguars ni coach Philip Cesar si Aries Dionisio na nagtala ng 37 puntos. – Marivic Awitan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Finals berth, napasakamay ng Olivarez


No comments:

Post a Comment