Nawala na sa tunay na isyu ang usapin sa iskandalo ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) at nadamay na ang buong instusyon sa halip na ilang mambabatas lamang na nasasangkot sa anomalya.
Ayon kay Sen. Miriam Defensor-Santiago, kumalat na ang isyu imbes na nakatuon lamang kina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, Sens. Jinggoy Estrada at Ramon Bong Revilla, Jr.
Inakusahan niya si Enrile na utak sa paglihiis ng isyu sa pamamagitan naman ni Estrada na nagbunyag ng mga dagdag na pera sa privilege speech nito.
Sinabi din ni Santiago na dapat imbestigahan ng Commission on Audit (COA) ang Disbursement Acceleration Fund (DAF) kung ito nga ay legal at pinapayagang ibigay sa mga senador.
“I would like to know in particular if it is legal for the budget department to discriminate among senators,” wika ni Santiago. – Leonel Abasola
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment