Monday, October 28, 2013

Aftershocks pumalo na sa 3,000

UMAKYAT na sa 3,019 ang bilang ng naitalagang aftershocks ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) matapos ang magnitude 7.2 na lindol na yumanig dalawang linggo na ang nakararaan sa Sagbayan, Bohol.


Ayon sa Phivolcs, naitala ang naturang bilang kaninang alas-6:00 ng umaga, Oktubre 29, kung saan tanging ang 83 aftershocks lamang ang naramdaman ng mga residente na umabot sa magnitude 5.5 ang pinakamalakas.


Ayon sa Phivolcs, karamihan sa mga naitala ay mahihina lamang at sa epicenter ang focus.


Kinumpirma rin ng Phivolcs na posibleng tumagal pa ng ilang buwan ang mararanasang aftershocks sa Bohol ngunit tiniyak ni Director Renato Solidum na hindi ito tatagal ng taon.


The post Aftershocks pumalo na sa 3,000 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Aftershocks pumalo na sa 3,000


No comments:

Post a Comment