Tuesday, October 29, 2013

MAGBUKAS KA NG SAVINGS ACCOUNT

Kung tutuusin, hindi naman talaga masakit sa bulsa ang makapagimpok ng pera. Tulag ng tinalakay natin kahapon, walang aray ang pananatiling malusog sapagkat hindi ka gagastos para sa serbisyo ng doktor or hospital. Wala ring aray ang pag-aaral ng iyong car insurance upang hindi ka magbayad nang malaki sa repair ng iyong nabanggang sasakyan. At laking ginhawa naman ang idudulot ng pagbabayad mo nang regular sa iyong mga utang.



Narito pa ang ilang mungkahi ng mga eksperto upang walang aray ang iyong pag-iimpok:



  • Magbukas ka ng savings account. – Habang may regular kang sinasahod at malakas ka pa, isang mainam na investment ang pagkakaroon ng savings account sa bangko. Ang tanging hirap mo lamang sa pagbubukas ng account ay ang initial deposit na hihingiin ng bangko. At pagkatapos niyon, maghulog ka roon ng anumang halaga na kaya ng iyong bulsa tuwing suweldo. Ituring mong isa pang pinagkakautangan mo ang iyong savings account. Sikapin mo ring hindi mo iyon babawasan

    anumang mangyari. Ang naihulog mo roon ay naihulog mo na at wala nang bawian. Sa sandaling mangailangan ka, sa savings account ka “umutang” at bayaran mo iyon nang paunti-unti ngunit dagdag sa regular mong hulog. Pagdating ng takdang panahon, mare-realize mong lumalago na ang iyong pera sa savings account nang walang kahirap-hirap… wala ring aray.

  • Guntingin mo na ang iyong mga credit card. – Literal mong guntingin ang iyong credit card upang huwag ka nang matuksong gamitin iyon. Ang buwanang bill nito ay may karga nang interest at may penalty rin kung lalaktaw ka ng bayad.


Ang yaman ay nagsisimula sa maliit. At kung nais mong makapagimpok nang hindi masakit sa damdamin or mabigat sa iyong bulsa, puwed kang magsimula nang pauntiunti. Habang humahakbang ang panahon, dahil marunong ka nang mag-manage ng iyong pananalapi, hahanga ka rin sa iyong sarili na may kakayahan ka pa lang magpalaki ng iyong impok.


Ipagpatuloy ang kaunlaran. Magimpok sa bangko.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



MAGBUKAS KA NG SAVINGS ACCOUNT


No comments:

Post a Comment