PATAY ang dalawang kumandidatong barangay kagawad matapos magpakamatay sa magkahiwalay na bayan sa Quezon.
Kinilala ang unang biktima na si incumbent Barangay Councilor Rolando Larosa, 40, ng Barangay Mayabobo, Candelaria, Quezon.
Nabatid na pasado 5:40 ng umaga sa mismong araw ng halalan nang makitang patay na ang biktima sa kanyang bahay na may tama ng bala ng baril sa ulo.
Samantala, alas-7:20 naman ng umaga sa parehong araw sa Barangay Banilad, Tayabas City natagpuan ang bangkay ng tumakbong barangay kagawad sa lugar na si Rodelito Castillo, 35.
Nabatid na isang residente ang nakakita sa bangkay ng biktima na nakabitin sa puno ng Lanzones.
Sinasabing kapwa takot matalo ang dalawa kaya pinili na lang na magpakamatay.
The post Takot matalo: 2 kandidato sa pagka-kagawad nagpakamatay appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment