TARLAC CITY – Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nananatiling walang nakalalasong paralytic shelfish o red tide sa Bulacan, Zambales at Bataan.
Sa huling bulletin ng BFAR noong Oktubre 18, kinumpirmang walang red tide ang mga baybayin ng Bulacan sa Manila Bay, Masinloc Bay sa Zambales at sa Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal sa Bataan.
Samantala, positibo pa rin sa red tide ang shellfish sa Dumaquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental, Matarinao Bay sa Eastern Samar, Balite Bay sa Davao Oriental, at baybayin ng Milagros sa Masbate. – Leandro Alborote
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment