MARAMING hotels at establisyimento ang kasalukuyan at patuloy pang itinatayo sa bansang Macau, kaya tila nakahanap ng isang paraiso ang mga Oversea Filipino Workers (OFWs) natin, sila ay masayang-masaya at punong puno ng pag-asa sa buhay para sa kanilang pamilya.
Malawak ang kaalaman ng ating mga OFWs sa sining kaya sila ay nakapapasok sa larangan ng entertainment, tulad ng pag-awit, pagsasayaw, banda at kung anu-ano pa na maaaring pagkakitaan, kaya naman aliw na aliw sa kanila ang mga dayuhan at turista sa Macau.
Kapag araw ng kanilang off-duty sa pagtatrabaho, ang mga OFWs ay nagkikita-kita sa Macau Senado Square (Largo do Senado) na kung saan sila ay masayang nagbabalitaan.
Matatagpuan si Gondolier Armin Tiu sa Grand Canal ng Venetian Macao-Resort Hotel, isang OFW na mahusay kumanta ng English, Tagalog, Italian, Mandarin at Cantonese. Ayon kay Armin Tiu, sobrang lungkot nila sa Macau pero sa pamamagitan ng laptop at iPad, nagkakaroon sila ng komunikasyon at nakapagbabalitaan sa kani-kanilang asawa, anak, magulang, kapatid at mga kaibigan sa pamamagitan ng facebook, yahoo o gmail, tweeter at skype. Upang lalu pang maaliw ang OFWs, updated din sila sa mga telenobela natin dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng internet: www.pinoychannel.tv at www.iwantv.com.ph.
Ang pagiging mahusay sa ingles nina Jomel, Agustine
at Marvin, ang naglalagay sa kanilang sa magagandang posisyon at nagiging mahalagang kasangkapan para sa mga turistang galing sa ibang bansa na hindi marunong mag Cantonese at Mandarin.
Kapag nakakakita ang inyong lingkod ng OFWs, agad ko sila’y nilalapitan at sa kanila ako nagtatanong kung saan maaaring mamasyal o nasaan ang kainan, dahil hindi rin ako marunong mag salita at bumasa ng salitang Cantonese at Mandarin.
The post MACAU SENADO SQUARE ANG PASYALAN NG OFWs appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment