GREENBURGH, N.Y. (AP)- Patuloy na nagpapagaling pa si J.R. Smith mula sa knee surgery, at sa kanyang pagbabalik sa NBA, suspensiyon naman ang naghihintay sa kanya.
Nagpapagaling din si Amare Stoudemire mula sa operasyon sa tuhod, ang ikatlo mula pa sa nakaraang taon, at nahaharap din sa restriction sa kanyang ilang minutong paglalaro sa kanyang pagbabalik.
Mayroon ang New York Knicks ng NBA’s leading scorer, isa na si Carmelo Anthony, ngunit matapos nito, may mga katanungan kung sino ba talaga ang magdadala ng bola hanggang sa makabalik ang ikalawa at ikatlong leading scorers nila sa NBA.
Ngunit binalewala ng Knicks ang mga konsernadong kaganapan matapos ang kanilang unang pag-eensayo kahapon para sa season.
”We’ve just got to be patient until we get those guys back, and then when they get back, they’re going to fit right in,” pahayag ni coach Mike Woodson.
Si Smith ang NBA’s Sixth Man of the Year sa nakaraang season matapos na mag- average ng career-best 18.1 points. Bagamat nakaeksperiyensa ng pananakit sa tuhod sa kaagahan ng season, naghintay ito upang magpagaling matapos na sumailalim sa patella tendon surgery at arthroscopy sa kanyang kaliwang tuhod upang kumpunihin ang napunit na bahagi sa kanyang lateral meniscus. Sinabi nito noong Linggo na ang pagkaantala ay umabot hanggang sa kalagitnaan ng Hulyo subalit mas pinagtutuunan nito na maplantsa muna ang bagong kontrata.
Sinabi ng Knicks na ang panahon ng inmaasahan nilang recovery sa loob ng 12-16 linggo, kasama pa ang limang karagdagang limang mga laro, ay nakaakibat na sa pagkawala ng manlalaro dahil sa sinuspinde ito ng NBA sanhi ng paglabag sa anti-drug program. Magpapahinga ito ng unang limang mga laro kaya’t inaasahang magiging mainam na ang kalusugan nito.
Mas tinututukan ng Knicks si Stoudemire sa season na ito matapos na sumabak lamang ito ng 29 mga laro sa nakaraang season sanhi ng pares ng operasyon sa kanyang magkabilang tuhod. Sumailalim uli ito sa isa pang procedure sa kaliwang tuhod sa nakaraang summer, at bagamat nagsagawa ito ng ilang shooting sa pagsasanay kahapon, ‘di pa rin batid kung kailan na siya handa para sa aksiyon. Sinabi ni Woodson na ang dating All-Star ay maglalaro ng limitadong minute sa pagsisimula at duda siya na makagagalaw ito sa loob ng 25 minuto kada laro.
”I think guys just have to do their part, making shots, and when their time comes just contribute everything that they have,” pahayag ni Anthony. ”We’ll see what happens. Until J.R. gets back, until Amare gets back, we have enough guys that can score the basketball.”
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment