Sa pangalawang pagkakataon, sinampahan na naman ng kasong pandarambong si Senate President Franklin Drilon kaugnay ng maanomalyang pagbili ng ekta-ektaryang lupain sa Iloilo noong 2006.
Sa reklamo ni dating Iloilo Rep. Augusto ‘Buboy’ Syjuco, pumasok si Drilon sa maanomalyang pagbili ng loteng aabot sa 16.2 ektarya na pinaglipatan ng mga informal settler (IFS) mula sa gilid ng Iloilo river.
Tinukoy ng dating mambabatas na nabili ang nasabing lupain sa Barangay San Isidro, Jaro, Iloilo sa halagang P2.7 milyon.
Gayunman, idineklara aniya ni Drilon na nabili ito ng P63 milyon at nag-overprice umano ng mahigit sa P60 milyon.
Kamakailan, kinasuhan na rin si Drilon ng kahalintulad na kaso dahil naman sa maanomalyang pagpapatayo ng Hall of Justice ng Iloilo na nasira ang ikalawang palapag nito nang magkaroon ng lindol. – Rommel P. Tabbad
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment