Tuesday, October 1, 2013

Bill sa pagbabawal ng training fee sa volunteer nurse

Ni Ellson A. Quismorio


Nais ng isang mambabatas na gawing krimen ang puwersahang pagpapabayad sa mga registered nurse ng training fee sa mga ospital kung saan sila nagtatrabaho bilang volunteer.


Inihain ni Rep. Arthur Yap (3rd District, Bohol) ang House Bill 415 na nagbabawal sa mga ospital na maningil sa mga nurse bilang kapalit sa aktuwal na pagtatrabaho sa kanilang establisimiyento.



Dahil sa kakulangan sa oportunidad sa trabaho, sinabi ni Yap na maraming nurse ang inaabuso ng mga may-ari ng ospital.


“One such unscrupulous practice of many hospitals, which has recently earned public indignation, is their policy of demanding payment of fees from nurses who seek to gain the necessary work experience required for work abroad,” sinabi ni Yap.


“Instead of receiving compensation for their services rendered, they are even obligated to pay these hospitals for what are termed as skills training or volunteer work,” dagdag ng mambabatas.


Nakasaad din sa panukala ang mga uri ng training program para sa mga nurse na aprubado ng Department of Health (DoH), sa pakikipagtulungan ng Professional Regulation Commission (PRC) Board of Nursing kung saan maaring lehitimong mangolekta ang mga ospital ng kabayaran sa training opportunity.


Tinukoy rin sa panukala ang nurse trainees bilang mga indibiduwal na sumasailalim sa mga training program na inaprubahan at sinertipikahan ng DoH at PRC habang ang nurse volunteers ang mga registered nurse na nagbibigay ng libreng serbisyo sa mga ospital na walang employee-employer relationship subalit nagsasagawa ng hospital duties na may superbisyon mula sa mga regular staff nurse.


Pinapayagan din sa panukala ni Yap ang pagbawi ng buong halaga na ibinayad sa ospital kasama ang anim na porsiyentong interes, bukod pa sa kanyang sahod na katumbas sa Salary Grade II, pursuant to Executive Order No. 811, series of 1989, ang dapat ibayad ng ospital sa registered nurse para sa mga serbisyo nito.


Ang mga lalabag ay nahaharap sa isang taong pagkakakulong at pagbabayarin ng multa na hanggang P500,000.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bill sa pagbabawal ng training fee sa volunteer nurse


No comments:

Post a Comment