DAHIL sa labis na kasiyahan ay namatay ang isang tatay matapos atakehin sa puso nang manguna sa bilangan ng kumakandidatong anak sa pagka-barangay kagawad sa Brgy. San Fabian, Echague, Isabela.
Ang biktima na inatake sa puso ay nakilalang si Adolfo Lopez.
Nabatid na nanonood sa bilangan ng boto ang biktima at nang makitang nangunguna na ang anak na si Emerson Lopez ay bigla itong inatake sa puso at bumagsak.
Kaagad dinala sa pagamutan ang nakatatandang Lopez pero idineklarang dead on arrival.
The post Anak nanalo, tatay patay sa sobrang saya appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment