Bigo ang Department of Justice (DoJ) na mabaligtad ang nauna nang ibinabang desisyon kaugnay sa pagpapawalang-sala kay dating Palawan Governor Joel Reyes hinggil sa pagpatay sa broadcaster at environmentalist na si Gerry Ortega noong 2011.
Batay sa botong 3-2, pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang pagpapawalang-sala sa dating gobernador.
Lumitaw na ibinasura ng appellate court ang apela ni Justice Secretary Leila de Lima laban sa naunang court ruling na nagbabasura sa kaso laban kay Reyes.
Sa inilabas na resolusyong sinulat ni Justice Angelita Gacutan, iginiit ng CA na hindi umano nasunod ng Department of Justice ang “proper procedural protocol” sa pagimbestiga sa kaso.
Una nang ibinasura ng korte ang Department Order No. 710 ni De Lima na naguutos nang pangalawang imbestigasyon sa kaso.
Nakapaloo sa naunang desisyon ng panel of prosecutors panel na pinamunuan noon ni State Prosecutor Edwin Dayog, napawalang sala si Reyes at kapatid na si Mario sa kaso.
Magugunitang si Ortega, na bumabatikos sa umano’y paglulustay ng multi-bilyong pisong pondo mula sa Malampaya project, ay binaril at napatay noong January 2011 sa Puerto Princesa. – Beth Camia
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment