Wednesday, October 2, 2013

Comelec sa kandidato: Huwag gumastos nang sobra

Muling pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kakandidato sa barangay elections sa Oktubre 28 na umiwas sa overspending o labis na paggastos sa pangangampanya upang hindi madiskuwalipika.


Tiniyak ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na pananagutin sa batas ang mga kandidatong mapatutunayang lumabag sa itinakdang gastos sa pangangampanya.



“Under RA 7166, P3 kung official candidate ka, P5 kung independent, e, wala nang political parties itong mga ito,” ayon kay Brillantes.


“Required po sila under the Campaign Finance Law na magpasa ng statement of contribution and expenditures (SOCE), kailangan ho silang maglagay dun na hindi sila lumagpas ng P5 per registered voter. ‘Pag lumagpas sila dun, madi-disqualify rin,” paliwanag pa niya.


Inihalimbawa ni Brillantes si Laguna Gov. ER Ejercito na una nang diniskuwalipika ng Comelec First Division dahil sa sobrang paggastos sa kampanya noong Mayo.


Tiniyak ni Ejercito na iaapela niya ang desisyon ng poll body. – Mary Ann Santiago


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Comelec sa kandidato: Huwag gumastos nang sobra


No comments:

Post a Comment