Monday, October 28, 2013

DoJ bumuo ng lupon sa Misuari case

NAGTATAG ng panel of prosecutors ang Department of Justice (DoJ) upang tutukan ang kasong rebelyon na isinampa laban kay MNLF Founding Chairman Nur Misuari, Kumander Ustadz Malik at maraming iba pa.


Sa ipinalabas na department order no. 799 ni De Lima kabilang sa mga pinangalanan niyang prosecutors na hahawak sa kaso ay sina Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon, bilang team leader, Regional Prosecutor Peter Medalle, Assistant State Prosecutor Aristotle Reyes, Assistant State Prosecutor Niven Canlapan at Prosecution Atty. Cesar Angelo Chavez III.


Ang pagbuo ng DoJ panel of prosecutors ay may kaugnayan pa rin sa kasong rebelyon at paglabag sa International Humanitarian Law.


Kasunod na rin ito ng pagsalakay kamakailan ng MNLF-Misuari faction sa Zamboanga City.


Ang kaso ay una nang isinampa sa Zamboanga City RTC at inilipat ng Supreme Court ang pagdinig sa Taguig City RTC dahil sa isyu ng seguridad.


The post DoJ bumuo ng lupon sa Misuari case appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



DoJ bumuo ng lupon sa Misuari case


No comments:

Post a Comment