Monday, October 28, 2013

Code white alert idineklara ng DoH

ISASAILALIM ng Department of Health (DOH) sa code white alert ang lahat ng pagamutang nasasakupan nito, bilang preparasyon sa anumang health emergencies na maaaring maganap ngayong Undas.


Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, sa ilalim ng code white alert, ang lahat ng personnel ng pagamutan mula sa general surgeon, orthopedics, anesthesiologists, internists, operating room nurses, ophthalmologists at otorhinolaryngologists ay dapat na handa upang tumugon sa mga emergency situations.


Ang mga emergency service personnel, nurses at administrative staff na nasa hospital dormitories ay isasailalim naman sa on-call status para sa agarang mobilisasyon.


Ang DOH-Health Emergency Management Staff (HEMS) naman aniya ang magmo-monitor ng sitwasyon sa loob ng 24-oras upang matiyak na kaagad na matutugunan at mabibigyan ng medical attention ang anumang health emergencies.


Mahigpit din na makikipag-ugnayan ang DOH sa lahat ng local government units (LGUs), Metro Manila Development Authority (MMDA), at Bureau of Fire Protection (BFP) para magpakalat ng mga medical teams malapit sa mga sementeryo.


Inaasahang maraming tao ang magtutungo sa mga sementeryo ngayong Undas upang magtirik ng mga kandila at alayan ng dasal ang kanilang mga mahal sa buhay na namayapa na.


The post Code white alert idineklara ng DoH appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Code white alert idineklara ng DoH


No comments:

Post a Comment