Ni Ador Saluta
GRAND Kapamilya event ang isasagawa ngayong weekend.
Star-studded ang pagdiriwang ng ABS-CBN sa ika-60 ng Philippine television na tatawagin nilang “Kuwento ng Kasiyahan: The Grand Kapamilya Weekend” ngayong Sabado (Oct 5) at Linggo (Oct 6).
Mangunguna ang It’s Showtime barkada sa live telecast na pagbibigay-saya sa Quezon Memorial Circle (QMC) sa Sabado. May back-to-back treats din ang Star Cinema at MOR 101.9 para sa mga Kapamilyang dadayo sa QMC mula hapon hanggang gabi ng Sabado.
Pagsapit ng alas-5:30 ng hapon, ipapalabas nang libre ang box-office movie na It Takes A Man and A Woman. Pagkatapos ay makaka-bonding ng Kapamilya viewers si Piolo Pascual at sina Bea Alonzo at Enrique Gil na bida sa upcoming Star Cinema movie na She’s The One.
Pagsapit ng 8:30 PM, sisimulan ang libreng concert na “MOR LIVE: Kuwento ng Musikang Pilipino” tampok sina Daniel Padilla, Jed Madela, Yeng Constantino, Jovit Baldivino, Juris, KZ Tandingan, Bugoy Drilon, Liezel Garcia, Marcelito Pomoy, Bryan Termulo, at Darryl Shy ng The Voice of the Philippines.
Alas-sais kinaumagahan, ang pagdagsa naman ng libu-libong kalahok sa “One Run, One Philippines” bilang pakikiisa sa patuloy na rehabilitasyon at pagpapaganda sa mga estero sa Maynila at ng Pasig River. Sasabayan ito ng runners din sa Cebu, Davao, Bacolod and Los Angeles (USA).
Sa tanghali, ang sorpresang hatid ng ilan sa pinakamalalaking Kapamilya stars sa ASAP 18, live mula sa Marikina Sports Complex.
Alas-5:00 ng hapon, magtitipun-tipon sa QMC sina Pokwang, John Lapus, Pooh, Kitkat, K Brosas, at Chokoleit para sa isang gabing tawanan, kantahan, sayawan, at mga papremyo sa Kapamilya KTV.
Sa Sabado at Linggo, maaari ring dumalaw mula 8 AM hanggang 6 PM sa QMC na may mga nakapuwestong booths ang ABS-CBN programs at channels na may iba’t ibang gimik, palaro, at pagkakataon na maka-bonding at makapagpa-picture sa cast members ng ABS-CBN programs. Bukas din simula 9 AM hanggang 12 MN ang Kapamilya Bazaar.
May handog ding serbisyo publiko sa pangunguna ng medical mission ng Salamat Dok at DZMM, Soup Kitchen at feeding activities ng ilang Star Magic talents at Kapamilya news anchors.
Isasagawa rin ng ABS-CBN Regional Network Group ng serbisyo medikal, pangkabuhayan, at iba pa sa “Halad Kapamilya” na sabay-sabay na gaganapin simula ng 6 AM sa SM City Bacolod, Cebu Technological University, at Palma Gil Elementary School sa Davao City.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment