SI Dominique Cojuangco, anak nina Tony Boy Cojuangco at Gretchen Barretto, ang date ni Enchong Dee sa isang event kamakailan, bagay na ikinagulat ng lahat dahil iilan lang ang nakakaalam na close pala ang dalawa.
Kaya tinanong namin si Enchong sa thanksgiving presscon ng Muling Buksan Ang Puso kung si Dominique na ba ang nagpapatibok ng puso niya.
“Ano, gusto ko lang talaga siyang maging kaibigan kasi ilang beses na kaming pinagkikita sa mga events, sa mga functions, alam mo na, mga alta (sociodad, mayayaman).
“So kapag nagkikita kami, parati kaming ini-introduce sa isa’t isa, at sabi ko parati, ‘yes, met a lot of times’ pero walang chance para mag-bonding kaming dalawa.
“So nu’ng Star Magic Ball, baka puwede ko siyang i-invite kasi ayoko namang magpunta nang solo, so, ‘yun naging kami ang magkasama,” pagtatapat ni Enchong.
Nabanggit dati sa amin ng aktor na masaya naman siya at may nakaka-date siya minsan, si Dominique na nga ba iyon?
“Siguro mag-iipon pa ako ng maayos para ‘pag humarap naman ako, meron din naman akong (madudukot),” nagbibirong sabi ng aktor.
Choice ba ang ilang taon nang pagiging single ni Enchong at mas masarap bang magtrabaho na walang lovelife?
“Minsan, gusto ko na rin, naghahanap na nga ako, eh. Wala talaga, eh,” biglang nagseryosong banggit ng binata.
“Minsan kasi nakakaano lang, kasi siyempre, gusto ko na rin, kasi minsan nakaka-bore na rin,” aniya pa. —Reggee Bonoan
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment