Wednesday, October 23, 2013

Cagayan Valley vs Café France

Mga laro ngayon: (Ynares Sports Arena)

2 p.m. Café France vs Cagayan Valley

4 p.m. Derulo Accelero vs Zambales M-Builders


Inspirado pa dahil sa makasaysayang panalo na naitala ng kanilang women’s volleyball team sa katatapos na Shakey’s V-League finals, uumpisahan ngayon ng Cagayan Valley ang kanilang kampanya para sa pagbubukas ng 2013-14 PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.



Makakasagupa ng Rising Suns sa pambungad na laban sa ganap na alas-2:00 ng hapon ang Café France na susundan naman ng tampok na laro sa pagitan ng dalawang baguhang koponan na Derulo Accelero at Zambales M-Builders sa alas-4:00 ng hapon.


“Although mahirap, at parang nakaka-pressure kasi ‘yung kanilang record na sweep, sa kanila (Lady Rising Suns) kami huhugot ng inspirasyon para pagbutihin ‘yung aming campaign sa D-League,” pahayag ni Rising Suns coach Alvin Pua na nagkataong asawa ng team owner at manager ng Rising Suns na si Alcala, Cagayan Mayor Criselda Antonio-Pua.


Gayunman, hindi pa man sumasalang sa korte ay may malaking problema na kaagad ang Rising Suns dahil ilan sa kanilang key players ang hindi pa makalalaro ngayong opening at posibleng hanggang sa mga susunod pa nilang maagang laban.


“Hindi pa kasi pinapayagang maglaro ng NCAA ‘yung mga player nila hangga’t hindi pa tapos ‘yung season. Kahit pa eliminated na ‘yung teams nang mga player namin, still, they are not allowed to play kasi ‘yun daw ang ruling,” ayon kay Pua na tinutukoy ang mga NCAA player na sina Kenneth Ighalo ng Mapua, John Pinto at Prince Caperal ng Arellano, Michael Mabulac ng JRU at Mark Cruz ng Letran.


“Sana kahit si Nard (Pinto) lang kasi wala talaga kaming point guard, kaso hindi talaga puwede,” dagdag nito.


Nagkataon naman na may laro din ang Arellano ngayong araw na ito kontra JRU sa NCAA.


Sa kabilang dako, tiyak namang magpapakitang-gilas ang ilan sa mga point guard ng Bakers na nagkataong kalahok sa darating na PBA draft na sina Jens Knuttel, Christopher Exciminiano at dating Cagayan player Eliud Poligrates.


Sa tampok na laban, makakaliskisan naman ang mga koponan ng Deluro Accelero na gagabayan ng dating cager na si Paolo Mendoza at ang Zambales M-Builders na nasa ilalim din ng isang dating mahusay na playmaker na si Junnel Mendiola.


Ilan sa mga kilalang player sa roster ng Zambales sina UAAP stars Mike Tolomina, Gryann Mendoza at Roger Pogoy ng FEU at isa ring PBA Draft hopeful na si Jet Vidal. – Marivic Awitan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Cagayan Valley vs Café France


No comments:

Post a Comment