Wednesday, October 23, 2013

PAGDIRIWANG NG UNITED NATIONS DAY


Ipinagdiriwang tuwing Oktubre 24 ang United Nations Day upang gunitain ang paglulunsad ng UN Charter noong 1945. Tampok dito ang pandaigdigang tungkulin ng UN, na ginagabayan ng mga prinsipyo ng pagkamakatao, pagkakaisa, at kapayapaan. “Partnerships for Global Progress” ang tema ngayong taon.



Ipinagdiriwang ang UN Day sa buong mundo upang mapalawak ang kaalaman sa mga gaain, layunin, at tagumpay ng UN at ang pamilya nitong specialized na mga ahensiya, lalo na sa pananatili ng kapayapaan at kawanggawa, pangangalaga ng kapaligiran, pagtataguyod ng mga karapatang pantao, kalusugan at nutrisyon; at pagkalinga sa mga refugee. Ang mga aktibidad na inorganisa ng mga tanggapan UN sa buong mundo – ang main office nito sa New York City, sa Hague, Netherlands; Geneva, Switzerland; Vienna, Austria; at Nairobi, Kenya – pati na ang mga talagakay, pagpupulong, mga exhibit, pagtatanghal na pangkultura, mga food fair at konsiyerto. Sa Pilipinas, nagdaraos ang mga paaralan ng UND day sa pamamagitan ng mga parada ng mga batang may bitbit ng bandila ng iba’t ibang bansa at nakasuot ng costume ng mga miyembrong bansa ng UN. Nagdi-display din ng UN flag sa mga gusali ng gobyerno at paaralan.


Ang paglikha ng isang “League of nations” ay nakatadhana sa Treaty of Versailles, na nilagdaan sa France noong Hunyo 28, 1919 upang tuldukan ng World War I. Ang mga idea ng UN ay na-develop matapos ang World War II ng may 51 bansa na nagpulong sa UN Conference on International Organization sa San Francisco, United States of America noong Abril 25, 1945. Opisyal na itinatag ang UN nang maratipika ang UN Charter noong Oktubre 24, 1945 at idinaos ang unang UN Day noong Oktubre 24, 1948.


Ngayon, mayroon nang 193 member-nation ang UN, pati na ang pinakabagong mga miyembro nito na Nauri, Kribati, at Tonga noong 1999; Tuvalu at Yugoslavia noong 2000, Switzerland at East Timor noong 2002, Montenegro noong 2006, at South Sudan noong 2011.


Ang UN Charter, na binubuo ng isang pambungad na talata, at 19 na kabanata na nahahati sa 111 artikulo, ay kumakatawan sa mga layuning: Pananatili ng internasyunal na kapayapaan at seguridad; ang magkaroon ng magilis na pag-uugnaya ng mga estado, at pagtamo ng kooperasyon sa pagresolba ng mga suliraning pang-internasyunal na ekonomiya, lipunan, kultura, at pangsangkatauhan. Ang UN ay sinusuportahan ng mga specialized agency na World Health Organization, Food and Agriculture Organization, United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization, United Nations Children’s Fund, International Labor Organization, High Commissioner for Refugees, at Human Rights Council. Noong 2001, nagwagi ang UN at ang liderato nito ng Nobel Peace Prize dahil sa kanialng pagsisikap upang magkaroon ng mas organisado at mas mapayapang daigdig.


Binabati natin ang United Nations sa pangunguna nina Secretary-General Ban Ki-moon at Deputy Secretary-General Jan K. Eliasson, at ang mga opisyal at kawani nito sa pagkakaroon ng maraming aktibidad na nakatuon sa kapakanan ng sangkatauhan, pagbibigay-kapangyarihan sa kababaihan at kabataan, kapayapan, at kaunlaran sa buong mundo lalo na sa Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PAGDIRIWANG NG UNITED NATIONS DAY


No comments:

Post a Comment