Wednesday, October 23, 2013

Bakit nagpapakamatay ang ilan para maging barangay official?

By: Czarina Nicole O. Ong


Nabibiyayaan ng buwanang honorarium na P23,000 para sa barangay chairman at P14,000 para sa kagawad, bakit nagpapatayan ang ilang kandidato upang mahalal sa posisyon?


Ibinahagi ni Department of Interior and Local Government (DILG)-National Barangay Operating Office (NBOO) Director Leocadio T. Travela na ang maximum rate sa honorarium ay hindi na mababago, kahit anong laki pa ang internal revenue allotment (IRA) o real property tax (RPT) ng isang barangay.



Kung sakaling ang honorarium ay hindi mas mataas sa sahod ng isang regular na empleyado, hindi rin lahat ng barangay ay nakapagbibigay ng pinakamataas na halaga dahil ilang punong barangay ay nakatatanggap lamang ng P1,000 kada buwan habang may kagawad na sumasahod ng P600 lamang.


Aminado naman si Travela na nakatatanggap ng ilang benepisyo tulad ng libreng paospital at libreng matrikula para sa anak. Maaari rin nilang i-convert ang kanilang benefits sa pera at nakatatanggap din sila ng bonus.


Nakasaad din sa Local Government Code na may libreng insurance ang mga opisyal ng barangay subalit minsan ay hindi ito nagagamit.


“The Commission on Audit (CoA) rules are very tight,” sinabi ni Travela tungkol sa mga alegasyon na posibleng ibulsa ng mga barangay official ang pondo ng komunidad.


“Barangays are required to submit a monthly report of their expenses, and they are also required to comply with the Full Disclosure Policy.”


Aniya, may tatlong pinagkukunan ng kita ang isang barangay – local, IRA at RPT.


Ang local revenue ay galing sa buwis ng mga tindahan at establisimiyento. Mayroon din mga service fee sa paggamit ng pasilidad ng barangay, bayad sa barangay clearance at mga clearance sa mga billboard, neon sign, outdoor advertisement at multa sa paglabag ng barangay ordinance.


Kumukuha naman ang bawat barangay ng 20 porsiyento sa kabuuang IRA ng lokal na pamahalaan.


Hinggil sa RPT, 25 porsiyento ng kabuuang koleksiyon ng RPT ng isang pamahalaang panlalawigan ang napupunta sa barangay. Para sa mga siyudad at munisipyo, 30 porsiyento ang natatanggap ng bawat barangay kung saan matatapuan ang lupain.


Tumatakbong barangay kagawad si Tony Alcasid ng Barangay Magallanes.


“I want to further promote the relevance and importance of the barangay business association which I incorporated through the support and cooperation of our chairman and council,” aniya.


“There is no money to be made by working as a kagawad in our barangay, only a small honorarium. In fact, my main occupation is as corporate secretary in our family-run business. This is just my way of giving back – something I thought I would do upon retirement. But if your community needs you now, how can you say no?”dagdag ni Alcasid.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bakit nagpapakamatay ang ilan para maging barangay official?


No comments:

Post a Comment