Oktubre 28, 1948 nang iginawad kay Paul Muller ang Nobel Prize for Medicine sa pagkakatuklas niya sa mabisang insect-control properties ng DDT insecticide. Siya ang unang non-doctor Nobel awardee sa larangan.
Ang bansa ni Muller, ang Switzerland ay may pest-led crop shortages noon at ang Russia ay may outbreak ng typhus.
Nakinabang ang mga prisoners of war sa insecticide kahit na ilang buwang hindi naligo, kaya binansagan itong “atomic bomb of pesticides” para sa insecticide. Ang substance ay nadiskubre noong 1870s, ngunit si Muller, ng J.R. Geigy Dye Factory (ngayon ay Novartis), ang nakadiskubre sa bisa nito. – Monch Mikko E. Misagal/ MB Research
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment