Tuesday, October 1, 2013

Malacañang sa kritiko: Huwag ilihis ang ‘pork’ issue

Ni Genalyn D. Kabiling


Ikinalungkot ng Malacañang ang pagtatangka umano ng ilang grupo na siraan ang Disbursement Acceleration Program (DAP) upang mailihis ang atensiyon ng publiko sa mga personalidad na iniuugnay sa congressional pork barrel scam.


Iginiit ni Presidential Communications Development Secretary Ramon Carandang na walang iregularidad sa pamamahagi ng DAP, kumpara sa kontrobersiya sa umano’y paglulustay ng Priority Development Assistance Fund – na mas kilala bilang “pork barrel” – ng ilang mambabatas.



“This is a diversionary tactic meant to throw the attention again at the Palace when the real question is who is facing charges, who is alleged to have misused their discretionary fund,” sinabi ni Carandang sa panayam. Subalit inihayag ni Carandang na handa ang Palasyo sa isinusulong na full accounting ng DAP fund, na ang layunin ay palakasin ang government spending upang maisulong ang ekonomiya simula 2011.


Aniya, inaasahang kikilatisin ng Commission on Audit (CoA) kung saan ginastos ang DAP, kahalintulad sa audit sa PDAF releases.


Naging kontrobersiyal ang paggamit ng DAP ng administrasyon matapos ibulgar ni Sen. Jinggoy Estrada ang umano’y P50 milyong “insentibo” sa ilang senador na bomoto pabor sa pagpapatalsik sa noo’y Chief Justice Renato Corona.


Kinumpirma ng Department of Budget and Management na nakatanggap ang ilang senador ng mula P15 milyon hanggang P100 milyon pondo mula sa DAP ilang buwan matapos mapatalsik si Corona subalit iginiit ng ahensiya na hindi ito suhol sa mga mambabatas.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Malacañang sa kritiko: Huwag ilihis ang ‘pork’ issue


No comments:

Post a Comment