INIULAT ng Department of Health (DOH) na bumaba ang bilang ng mga taong nasugatan dahil sa paputok at stray bullet sa pagsalubong ng Bagong Taon kahapon.
Sa kabila naman nito, tumaas naman ang bilang ng mga biktimang naputulan ng bahagi ng katawan dahil sa paputok.
Ayon sa DOH, pumalo sa 351 ang naitalang firework-related injuries mula Disyember 21 hanggang alas-6:00 Huwebes ng umaga.
Mas mababa naman ito ng 39% kumpara sa 578 na naitala sa parehong panahon ng nakaraang taon.
Nabatid na sa 351 biktima, 346 ang nasugatan dahil sa iba’t ibang klase ng paputok habang dalawa ang nakalulon ng paputok. Piccolo pa rin ang numero unong dahilan ng pinsala kasunod ang kwitis, lucis at five-star.
Pinakamaraming naitalang biktima sa Metro Manila, partikular sa Maynila, Pasig at Quezon City.
Tatlo naman ang tinamaan ng ligaw na bala sa pagtatapos ng 2014 na mas mababa rin kumpara sa 11 biktima ng stray bullets noong nakaraang taon.
Gayunman, tumaas ng 75% ang amputations o mga biktimang naputulan ng bahagi ng katawan dahil sa paputok. Kabilang sa mga naputulan ay 14 na lalaki, na ang pinakabata ay limang-taong gulang lamang. MACS BORJA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment