PINARANGALAN ng Department of Health (DoH) – MIMAROPA ang apat na barangay sa rehiyon para sa National Search for Barangay with Best Sanitation Practices (NSBBSP), sa isang seremonya na ginanap sa Luxent Hotel sa Timog Ave., Quezon City.
Ayon kay DOH-MIMAROPA Regional Director Eduardo Janairo, kabilang sa mga barangay na ginawaran ng parangal ay ang barangays Maniwaya ng Sta. Cruz, Marinduque (1st); Danao sa Cajidiocan, Romblon (2nd); Tagbac at Binakas sa Lubang, Occidental Mindor (consolation prices).
Kaugnay nito, nabatid na ang Barangay Maniwaya at Danao, na tumanggap ng P150,000 bilang insentibo dahil sa pagpapatuloy ng health at sanitation sa kanilang komunidad, ay lalaban naman para sa national awards.
Ang mga regional nominees ay inievaluate ng Regional Technical Working Group batay sa mga sumusunod na criteria: 1) mga tahanang may sanitary toilet facilities, 25%; coverage ng mga tahanang may access sa malinis at ligtas na tubig, 25%; pagpapahusay ng sanitary toilet, 25%; at aprubadong barangay budget para sa water and sanitation.
Kabilang din dito ang local sanitation initiatives tulad ng wastewater, solid waste management, clean and green program, legislative support at community involvement. MACS BORJA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment