Tuesday, January 27, 2015

NFA, aminadong ‘di matutukan ang katiwalian sa bigas

AMINADO ang National Food Authority (NFA) na hindi kayang tutukan ng solo ang pagsasamantala ng mga tiwali sa murang bigas ng pamahalaan.


Ito’y matapos aminin kaninang umaga, Enero 28, 2015 (Miyerkules), ni NFA administrator Renan Dalisay na hindi nila kayang tutukan nang solo ang pananamantala ng mga tiwali sa murang bigas ng pamahalaan.


Ginawa ni Dalisay ang pahayag matapos ilunsad kahapon ng NFA ang programang “bantay bigas” katuwang ang iba’t ibang grupo laban sa mga hoarders at mapagsamantalang mga negosyante na nasa rice trade.


Sa isang press conference, sinabi ni Dalisay na patuloy silang nakakatanggap ng mga reklamo na may kaugnayan sa rebagging ng NFA rice na inihahalo sa commercial rice.


Bukod pa rito ang umano’y ‘di maayos na delivery ng bigas sa mga retailers dahilan upang hindi mapunta ang NFA rice sa mga tunay na nangangailangan.


Ayon pa kay Dalisay, mahalaga umano na makuha ng NFA ang tulong ng mga grupong makikibahagi sa kampanyang “bantay bigas” upang matiyak ang 100 porsyento ng NFA rice ay mapupunta sa mga mahihirap.


Sa ulat, nasa 1/4 lamang ng NFA rice ang napapakinabangan ng mahihirap habang ang 3/4 ay pinakikinabangan ng mga mapagsamantala. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



NFA, aminadong ‘di matutukan ang katiwalian sa bigas


No comments:

Post a Comment