Tuesday, October 29, 2013

Trahedyang Mafalda

Oktubre 29, 1927, lumubog ang Italian liner na Mafalda sa Brazil.


Habang parami nang parami ang mga pasaherong nasasagip, na dinala sa Rio De Janeiro, nagiging maugong din ang mga kuwento ng pagnanakaw sa mga pasahero at steward na nakaligtas sa trahedya. Sinabi rin ng mga nakaligtas na nag-aagawan ang marami sa mga lifeboat na naging mitsa ng away ng mga pasahero.



Ayon sa mga ulat, nang malapit nang lumubog ang barko, nagpahayag ang crew sa kabataan at kababaihan na nasa first class na sumakay na sa mga lifeboat. Ngunit dahil sa nataranta ang mga pasahero, nagkagulo sa barko, na nagresulta sa pagtaob ng tatlong lifeboat.


Nang mga panahong iyon, mayroong 300 katao ang ipinalagay na nasawi dahil ang bahagi ng tubig na kinalubugan ng barko ay puno ng mga pating. – Mark Anthony O. Sarino/ MB Research


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Trahedyang Mafalda


No comments:

Post a Comment