Tuesday, October 29, 2013

MARANGAL NA HALALAN SA BRGY. 885, STA. ANA, MANILA

burdado- jun briones SIMULA nang mamulat ang mga mata ko sa takbo ng pulitika, inakala ko na hindi kumpleto ang eleksyon kung walang “vote buying, karahasan at intimidasyon.”


Dahil dito, taos-puso, parekoy, ang aking pasasalamat sa mga kumandidato at sa mismong mga residente ng Brgy. 885, Sta. Ana, Manila! Bakit? Pinatunayan nila na mali ang nauna kong paniniwala.


Pinatunayan nila na sa pusod ng magulong lungsod ay kayang ipakita sa buong daigdig ang tunay na diwa ng eleksyon na sinimulan at tinapos ang “malinis” na halalan sa pamamagitan ng “marangal” na labanan!


Gusto kasi nating pasubalian ang mga naunang kwento, kaya mas pinili kong tumutok sa nasabing barangay sa simula pa lang ng kampanya hanggang sa matapos ang proklamasyon!


Totoo nga, parekoy, na mali ang sinauna kong paniniwala na lahat ng eleksyon ay marumi!


Depende pala talaga ang resulta ng halalan sa asal ng mga kandi-datong naglalaban-laban!


At higit sa lahat ay sa pagnanasa ng “mga botante” na maging kabahagi sa isang matiwasay at marangal na halalan bilang pagbibigay respeto at pagpapahalaga sa sagradong karapatan na pumili ng kanilang lider!


Uunahin natin, parekoy, na saluduhan si Dok Alex Lim…na bagama’t hindi pinalad ngunit kanyang ipinakita ang tunay na “propesyunalismo” sa larangan ng labanan sa pulitika! Sa ganang akin, “intact” ang iyong personal na pagkatao at political career dahil sa ipinakitang “sportsmanship.”


Saludo ako sa iyo, Dok!


And, of course…ikinararangal kong banggitin ang mga magigiting na nagsipagwagi sa “kauna-unahang malinis na halalan” na aking personal na nasaksihan!


Congrats po…Chairwoman Marina “Marie” Garcia Vergara! Mga Brgy. Kagawad Richard “Inchang” Lopez, Josephine Go, Malou Viray, Flor David, Percy Areopagita, Belle Amatorio, at Bernie “Jeff” Villaruel.


Saludo po ako sa inyong lahat at ikinararangal kong masaksihan ang inyong “malinis at marangal” na tagumpay!


Bago kayo pumalaot sa pag-ganap ng SERBISYONG TAPAT na inaasahan sa inyo ng inyong mga kabarangay… pahintulutan ninyong ipaabot ko ang isang “Payak na Kahilingan.”


Na umpisahan na ninyong gamutin ang mga sugat na na-likha ng nagdaang halalan.


Ito’y upang makamit ang taos-pusong pakikipagtulungan maging ng mga hindi pinalad na kandidato!


Mas katanggap-tanggap at madali ang “healing process” kung kayong mga nanalo ang magpapasimuno nito. Sa pagganap sa tungkulin, maging mapanuri kayo sa “mali.”


Pero, sana lang ay magkaisa kayong suportahan si Chair-woman sa kanyang “magagandang” layunin para sa inyong barangay!


The post MARANGAL NA HALALAN SA BRGY. 885, STA. ANA, MANILA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MARANGAL NA HALALAN SA BRGY. 885, STA. ANA, MANILA


No comments:

Post a Comment