Tuesday, October 1, 2013

Perlas Pilipinas, makikipagsabayan sa FIBA

Agad na masusubok ang kakayahan ng Perlas Pilipinas national women’s basketball team sa pagsagupa sa nagbabalik na North Korea sa paglarga ng 25th FIBA Asia Championships for Women sa darating na Oktubre 27 hanggang Nobyembre 3 sa Bangkok, Thailand.


Puwersadong magpakitang gilas sa torneo, bunga ng ilang tsansang nakasalalay sa magiging resulta ng kampanya ng koponan na tulad na mapasama sa pambansang delegasyon sa 27th Myanmar Southeast Asian Games, tangka ng PH belles na makatuntong sa Level I at makalahok sa World Championships.



“Hindi ko na muna iniisip kung anuman ang mga nakasalalay sa pagsali namin dito sa FIBA Asia. Ang iniisip namin ngayon ay mapatunayan sa sarili namin na kaya naming manalo at ipakita sa mga kritiko namin na nagkamali sila sa paghusga sa koponan at sa bawat miyembro ng team,” sinabi ni PH women’s coach Heidi Ong.


Isa na agad sa pagsubok na kinakaharap ng koponan ay ang pagsagupa sa nagtatangkarang North Korea at ang pisikal maglaro na Uzbekistan. Ang ikatlong makakatapat ng koponan ay ang host Thailand na makakaharap din nila sa SEA Games at maging ang Malaysia at Indonesia.


“Hindi pa natin malaman ang komposisyon ng Korea kasi ngayon lang sila ulit maglalaro. Tinalo naman natin noong 2009 ang Uzbekistan pero baka bago na rin ang lineup nila. Siyempre gusto namin makabawi sa Thailand pero sana hindi mangyari ang hometown call dahil sila ang host,” giit pa ni Ong.


Ang pinakamataas na naabot ng Pilipinas sa torneo ay sa 4th place noong 1965 sa South Korea at 1984 sa China habang tumapos na 8th place noong 2004 sa Japan at 10th place noong 2009 sa India.


Ang hosts Thailand, nagbabalik sa kompetisyon matapos ang kanilang sariling suspensiyon sa FIBA sa Omura, kasama ang SEABA teams na Malaysia, Indonesia at Philippines at DPR Korea at Uzbekistan ang bumubuo sa qualifying Level II.


Ang top three team sa 25th FIBA Asia Championship for Women ang makakakuha ng karapatan na iprisinta ang FIBA Asia sa 2014 FIBA World Championship for Women na gaganapin sa Turkey simula sa Setyembre 27 hanggang Oktubre 5.


Hangad naman ng nagtatanggol na gold medalist China na maiuwi ang ika-12 gintong medalya sa kasaysayan ng FIBA Asia Championship for Women kontra sa silver medalists sa huling edisyon na Korea sa pagsisimula ng torneo. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Perlas Pilipinas, makikipagsabayan sa FIBA


No comments:

Post a Comment