Tuesday, October 1, 2013

Durian ng Davao, nakarating na sa Singapore

Ni Alexander D. Lopez


DAVAO CITY – Inihayag ng Department of Agriculture (DA)-Region 11 na isang lokal na magsasaka ang nakapagluwas ng durian sa ibang bansa.


Makalipas ang maraming taon ng paghihintay, nakarating na rin ang exotic na prutas ng Davao sa pandaigdigang merkado sa pamamagitan ng isang Singaporean buyer.



Sa isang panayam, sinabi ng regional office na ang mahirap sa pagluluwas sa durian sa ibang bansa ay ang natatanging katangian nito bilang isang prutas na exotic na may kakaibang amoy at lasa.


Ayon sa DA, mahalagang maipamulat sa ibang bansa ang mga natatanging katangian ng durian upang ma-appreciate ang pagiging exotic nito, gayundin ang sustansiyang hatid ng nasabing prutas.


Kamakailan, nagluwas ang durian farmer na si Larry Miculob ng may 500 kilo ng sariwang durian sa Singapore, sa panahon na masigla ang anihan ng durian sa Davao.


Nang kapanayamin kahapon, sinabi ni Miculob na tatlo hanggang apat na taon na ang nakalilipas nang magluwas ng durian ang Davao City sa China.


Packaging ang problema kaya hindi nagtuluy-tuloy ang pagluluwas ng durian sa ibang bansa, ayon kay Miculob.


Isa ring dapat ikonsidera ang mga uri at lasa nito.


Iisang uri lang ng durian ang kailangan sa dayuhang merkado, ayon kay Miculob, at dapat na pagtuunan ng pansin ng mga durian farmer ng Davao ang nasabing requirement.


Sinabi ni Miculob na ang taniman niya ng durian ay nakatutok lang sa “Puyat variety”, na kasing lasa ng produktong durian mula sa Malaysia at Singapore.


Ayon sa DA-Region 11 at kay Miculob, nakaantabay sila sa assessment sa reaksiyon ng merkado ng Singapore sa durian, partikular sa lasa nito.


“If there will be a repeat order, then that’s it,” sabi ni Miculob.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Durian ng Davao, nakarating na sa Singapore


No comments:

Post a Comment