Oktubre 2, 1950 nang unang inilimbag ang sikat na comic strip na “Peanuts”, na iginuhit at isinulat ni Charles M. Schulz.
Ang mga sikat na karakter ng nasabing comic strip ay sina Woodstock, Snoopy, Charlie Brown, Franklin, Lucy van Pelt, Linus van Pelt, Peppermint Patty at Sally Brown.
Enero 3, 2000 nang nailathala ang huling isyu ng comic strip, na nasundan pa sa pagpanaw ni Schulz noong Pebrero 12, 2000.
Ngayong taon, ayon sa TV Guide, nakuha nito ang ikaapat na puwesto sa kategoryang Greatest Cartoon of All Time. Magkakaroon din ito ng movie adaptation sa 2015. – Jason B. Buan/MB Research
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment