Wednesday, October 2, 2013

Dating kagawad, tinaga sa ulo

CAMILING, Tarlac – Nagtamo ng dalawang malalim na taga sa ulo ang isang dating barangay kagawad matapos harangin ng isang magsasaka na pinaniniwalaang nakaalitan niya sa Barangay Papaac, Camiling, Tarlac, kamakailan.


Sa report ni PO3 Daniel Suelen, agad na isinugod sa Sto. Nino Hospital si Mercado De Jesus, 55, na isa ring magsasaka habang ang suspek naman ay si Salvador Ramos, 59, kapwa residente ng nasabing barangay.



Ayon sa pulisya, pauwi si De Jesus bandang 7:00 ng umaga noong Setyembre 27 nang sugurin siya at pagtatagain ni Ramos. -Leandro Alborote


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Dating kagawad, tinaga sa ulo


No comments:

Post a Comment