Wednesday, October 2, 2013

Ne 8:1-12 ● Slm 19 ● Lc 10:1-12

Humirang ang Panginoon ng iba pang pitumpu’t dalawa at isinugo silang dala-dalawa na mauna sa kanya sa bawat bayan at lugar na takda niyang puntahan. Sinabi niya sa kanila: “Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa…Lumakad na kayo. Isinusugo ko kayong parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag ka yong magdala ng pitaka, bag o mga sandal yas. At huwag ninyong batiin ang sinuman sa daan.



PAGSASADIWA

Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa.—Marami pa rin ang dapat gawin subalit kulang pa rin ang mga gumagawa. Marami ang nagnanais matuto ngunit kulang pa rin ang mga tagapagturo. Marami ang naliligaw ng landas at kulang pa rin ang mga tagaakay. Marami ang nalilito at kulang naman ang mga tagapagpaliwanag. Nasanay tayong ibunton ang maraming gawain sa iilan lamang. Totoong ang mga pari o sinumang lider ng Iglesya ay may tung kuling magturo at mag-akay ng tao patungo sa Diyos. Ngunit gaano man kahalaga at kahusay ang kanilang papel na ginagam panan, kakaunti lang sila kung ikukumpara sa laki ng bilang ng mga dapat akayin at turuan. Dapat nating tandaan na maging ang mga layko man sa bisa ng binyag na kanilang tinanggap ay may mga tungkulin ding magturo at mag-akay.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Ne 8:1-12 ● Slm 19 ● Lc 10:1-12


No comments:

Post a Comment