Ni Freddie G. Lazaro
CAMP JUAN, Ilocos Norte – Nabaril sa kaliwang paa ang isang konsehal na tinambangan at tinangkang patayin ng mga hindi nakilalang suspek sa Barangay Pacifico sa Marcos, Ilocos Norte, noong Lunes.
Galing sa munisipyo, pauwi na si Councilor Stewart dela Cruz at lulan sa kanyang Starex van nang pagbabarilin siya ng mga hindi nakilalang suspek na magkaangkas sa motorsiklo.
Masuwerte namang nasugatan lang sa kaliwang paa ang konsehal at nagawa pang makapagmaneho ng 500 metro mula sa pinangyarihan ng krimen para makahingi ng tulong.
Agad na nakatakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.
Sinabi ng pulisya na nangyari ang pamamaril bandang 9:00 ng umaga noong Lunes.
Narekober sa pinangyarihan ng pamamaril ang mahigit 10 basyo ng caliber 5.56 M-16 Armalite rifle.
Sinabi ni Marcos Police chief, Chief Insp. Dexter Corpuz na tinutugis na ang mga suspek.
Patuloy ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa pamamaril, gayundin ang utak at gumawa ng krimen.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment