Monday, October 28, 2013

Be Humble, kampeon sa Don Juan Derby 2013

Nakatakas ang heavily-favored na Be Humble escaped na na may razon-thin victory kontra sa apat na local chargers upang pamunuan ang 12th running ng taunang Don Juan Derby 2013 noong nakaraang Linggo sa punum-punong MetroTurf sa Malvar, Batangas.



Sinakyan ni star jockey Jeffril Zarate, diniktahan ng Pedro Sancheztrained 3-year-old colt ang 2,000- meter race mula sa simula ngunit nakipagsabayan sa kanya ang tatlong local na mananakbo.


Ang longshot Basic Instict ang sadyang nagtangkang alpasan ang Be Humble sa huling 200 meters, halos kasabayan ang Boss Jaden at Sky Dragon.


Ngunit ayaw ibigay ng Be Humble ang renda para sa panalo kung saan ay lalo pa itong umarangkada patawid sa payoff wire kung saan ay head-to- lead ang naging agwat lamang. Ibinulsa ng kampeon ang top prize na P900,000 para ipagkaloob sa owner na si Ruben Dimacuha.


Bagamat walang imported horses sa lineup sa taon na ito, napalawig nito ang winning skein para sa local horses tungo sa ikaapat sa annual championship para sa lahat ng 3-year-olds (imported o locals) na inorganisa ng Klub Don Juan de Manila at sa kooperasyon ng Metro Manila Turf Club.


Ang Basic Instict, pag-aari ni Rosario, Batangas Mayor Manuel Alvarez, ay tumanggap ng runnerup prize na P337,500 habang ang third at fourth placers na Boss Jaden at Sky Dragon ay nagbulsa ng P187,5000 at P75,000, ayon sa pagkakasunod.


Naorasan ang Be Humble sa 2:02 na may quarters na 25-23’-24’-23-26.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Be Humble, kampeon sa Don Juan Derby 2013


No comments:

Post a Comment